Balik tanaw balik saya…

BOYSHIGH LIFE IS MY H.S. Life

  • 4 years ako dun
  • Class president ako ng 1st at 4th year (opening at closing)
  • Idol kong guro sina Sir Abuan, Sir Jarata, at Sir Ferrer
  • Sinong “hot” na teacher ang nakita mo dun? – Si ma’am Fernandez (sabi nila…)
  • Noodles, (yung mami) ang favorite kong kainin sa Canteen kapag recess
  • 4E, sa tabi ng principal’s office ang pinaka-favorite kong classroom
  • Ilang beses din akong pinatawag sa principal’s office, hindi dahil sa deviant behavior kungdi dahil magulo ang classroom, aba di ko lilinisan ang kalat ng iba. Ano ako vacuum cleaner?
  • Si Dimples, Robocop, at Mang Tomas ang mga heart robs na security guards namin
  • Mabait ako, kaya hindi ko inaaway yung mga guards
  • Hindi ko alam kung gaano kataas ang I.Q. ko
  • Sa may guard house ang paborito kong tambayan
  • Dismissal ang paborito kong subject
  • Hindi nagging masaya ang 4 years ko sa high school dahil walang puno
  • 3rd year ako ng magsimula ang pagiging COED ng paaralan namin
  • Hindi ako class team, takot ako sa “flying balls”
  • Lalaki po ako, at hindi bakla
  • Hindi rin ako sipsip – napansin lang ng lahat na may favoritism sa classroom
  • Si Von, Ari at ang boung angkan ng 4E (na lagi ako pinapahamak sa principals office) ay mga bestfriends ko
  • Madalas din akong makipaghabulan sa mga benches
  • Nagvandal din ako sa upuan ko
  • Natutunan ko sa High school ang dapat kong malaman sa buhay
  • Narealize ko na hindi totoo yung kanta ni Sharon Cuneta na “High School Life”
  • Hindi ako pumupunta sa chapel, dahil lagi itong nakasara
  • Pumupunta ako sa library para makipagpatintero sa mga newspaper readers doon at para makapagbasa ng “The Unexplainable”
  • Pumupunta ako sa clinic kapag wala akong P.E. Uniform
  • March 18, 2005 (Friday) gumraduate ako sa High School, yippee!!…simula ng nag sound sa utak ko ang theme song ng Voltes 5
  • Pasado lahat ng grades ko
  • Masaya ako dahil 3 taong huli ang entry na ito, graduate na ko sa HS 3 years ago…tagal na…2007 na pala…
  • Hinahatid ako at sinusundo
  • Boy scout ako at di CAT
  • Pres, daomingsig, daomingsisig, at papasig, ang nicknames ko mula sa mga classmates at guro ko na nagbinyag sa’kin ‘nun
  • Hindi ako tumakas nung may rally sa school, dahil mabait talaga ako….saka…uh…uhmm..di ako marunong umakyat sa bakod
  • Bilang isa sa mga prestihiyosong paaralan, Ang Boyshigh ang naging “trendsetter” ng mens fashion sa Baguio noong kapanahunan ko
  • Sa school fountain lang ako umaasa ng free drinking water
  • Pinagkamalan akong assistant principal noon
  • 4th year ako ng magkaroon ako ng kauna-unahang cellphone (Mitsubishi brand)
  • 1 backyard camping at 2 outdoor camping ang pinutahan ko
  • Madalas ako magattend ng “Math Remedials” para ipasa ako ng mga guro ko
  • Lagi ako tinatakasan ng mga cleaners kapag dismissal na
  • Constant top nothcer ako sa regular section (Top 10 or 15) kahit hindi ako nag aaral “0” absents ako nung 3rd at 4th year ko
  • Nakaakyat ako sa stage namin para magbasa ng gospel at mag “panata”
  • Isang malaking kahihiyan ang pagdadala ko ng lahat ng libro ko noong first day of first year classes
  • Madalas nasa gitna o unahan ako ng pila at magulat ka kung nasa likod ako, dahil baka mga elementary ang kasama ko.
  • Ako ang tagahawak ng susi , attendance at seat plan ng klase
  • Pinapapili ko ang bawat isa ng napupusuan nilang lugar sa loob ng silid aralan para lahat masaya
  • February 17, 2005, huling araw na ng pag-susout ko ng scouting uniform, pagbabaon at pagbili ng lunch
  • Umiyak karamihan ng lalaki sa recollection
  • Hindi ko alam kung bakit ako ang na-nominate ng karamihan para maging class president sa klase noong first year pa kami, wala namang may kilala sa akin. And then history repeated itself nung 4th year na ako
  • May fear of heights yung wallclock namin sa klase noong 4th year
  • “taebo” yung CR namin sa camping noon
Advertisements

Got something to say?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s