Bente Pesos

Napanood ko dati yung show sa ABS-CBN na “noypi ikaw ba ito” na kung saan tinitignan nila ang ugaling pinoy. Sinubukan nilang mag-iwan ng isang debit card sa mga ATM machines para subukin ang “honesty” ng mga pinoy. Ang resulta ay mas maraming mga Pinoy ang nagbalik ng card either sa guard ng banko o di kaya sa mga accomplice ng show na sinasadyang iwan ang card. Pero sadly may isang tao pa rin na di nagbalik ng card.

Ako kaya?….hmmm…honest ako…ibabalik ko talaga, promise…
kung may napulot akong halagang 1 milyon o 2 milyon, kahit pa 1 billion….wala ng isip-isip pa, ibabalik ko talaga…..
(ows…talaga?)
syempre ako yun e, iba ako sa iba…, sabi ng kapatid ko kung siya raw..hahagkan daw muna niya yung halaga, bago ibalik. Ako wala ng ganoon, isipin mo yung may-ari, baka halos mamatay-matay na yun saka iisip tungkol sa halaga niya, baka mapatay mo pa siya, kung mag-dadalawang isip ka pa. Ibabalik ko agad kapag ganun. Isipin mo lang, akin ba yun, pinaghirapan ko ba yun, think about others, wag lang ang sarili mo. Hindi ko talaga aangkinin yun. Ibabalik ko talaga ‘yun. Promise.

Peksman. Cross my heart, ayaw mo maniwala. Sige try me. it’s just a piece of colored paper!
walang boses si hudas sa guni-guni ko, dahil basura lang siya sa utak ko.
Iba kasi pananaw ko pagdating sa mga ganung bagay, hindi buhay sa lupa ang pinaghahandaan ko. Kahit walang recognition, ibabalik ko yun. Yang recognition na yan, pang TV lang yan-publicity. Mas maganda kung sa taas manggagaling yung recognition mo.

Noong High School ako, may napulot akong bente pesos at ibinalik ko ito kay principal, para mahanap ang may-ari, ewan ko kung anong pumasok sa utak ko at naisipan kong ibalik yun…akin na dapat yun….lam mu yun??….bente lang yun e…

Advertisements

Got something to say?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s