Sa loob ng jeep

Sa jeep ako umaaasa para makaalis at makarating sa aking pupuntahan. Php 7.50 ang binabayad ko kapag summer at Php 6.00 kapag school year. Minsan tingin ko hindi sulit ang binabayad ko kapag nasa jeep na’ko.

Scenario 1:

Kapag accidentally akong pumapara ng jeep o humihinto ito sa harap ko, na halos puno na at tila wala na akong lalagyan-napipilitan na lang akong sumakay dito (sabi kasi nung driver meron pa daw).  Pilit na lang akong nakikipagsiksikan sa loob.

Lata ng sardinas na “intransit”, ang sikip sa loob.

Scenario 2: Alam ko na…

Kapag sinabi ng dispatcher sa jeep na: “O, isa na lang”…..ako na ang hahabol lalo na kung nagmamadali ako, ayaw ko ng maghintay ng 10 taon para lang mapuno ang lata ng sardinas. Mangyayari nanamang hindi ako magkasya. Mukha na nga akong bata, tapos wala pang lugar.

Hirap pa ang mga binti sa pagpipigil ng “forces” sa loob ng jeep, (kapag di ka masyadong nakakaupo at biglang lumiko ng mabilis ang jeep….natural…sasama kang lilipad…try mo…titinngin lahat ng tao sa’yo….kapag lumipad ka sa inuupuan mo at lalanding sa sahig ng jeep) pati braso, hirap pigilan ang inertia sa loob ng jeep. (Experience ko na yan, meron kasing ilang mga babae na feeling nila girlfriend mo sila at kunwari kapag liliko yung jeep ay, kunyari…mapupunta sila sa’yo….yung bang tipong sumasandal sila sa’yo…..).

Scenario 3: Sabit

Hindi ko pa nasusubukan at wala akong balak subukan, dahil hindi bagay. (Imaginin mo Meyer na sumasabit sa jeep, bah bago yun, nakacorporate attire ka tapos nakasabit ka lang sa jeep, amazing!!!) o di kaya isang bata na nakasabit sa jeep. Tingin mo masaya kaya yung mga “sabit” sa likod ng jeep?, nagbabayad sila ng full regular fair, tapos nakasabit lang sila?

kung sabagay kagustuhn nga naman nilang sumabit sa jeep at magbayad ng full fair.

Verdict: oo, honest ako at nagbabayad ako ng full fair…..ng sakto. Willing akong i-offer yung seat ko sa mga girls at old-peepz. Sa mga lalaki, bahala kayo sa buhay niyo!!

Php 6.50 – 7.50 sakto ako magbayad, mabait ako e, pwede ng tawaging martyr, pero ang tanong, sulit ba ang pamasahe ko na kung sa una pa lang, bago pa ako sumakay ng jeep, as in tingin pa lang sa jeep ay alam ko ng wala na akong uupuan?

Isa pa, masaya ba ang isang pasahero kung hindi masaya ang kanilang pwet? (as in dulo lang nito ang nakakaupo)?

Advertisements

Got something to say?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s