Basurero

Garbage dudes

Minsang naglalakad ako sa kalsada ay nadaanan ko ang trak ng basura na naghahakot sa may gitna ng daan (maliit yung eskinitang napagtripan kong daanan kaya natural na nakaharang yung truck ng basura).

May mga sumusunod ding namang mga taxi at jeep sa likod ng trak na ‘to. Pagkadaan ko sa may tapat ng taxi, sabay naman ang mura ng taxi driver at busina ng jeep na nasa likod nito.

“Hoy ‘tangina…bakit kasi kayo kumukuha ng ganitong oras, nagpapatrapik lang kayo sa daan” mura nung isang driver. “Pangiti-ngiti lang ng konti yung mga basurero at tipong nagmamadali na nahihiya na sa pangagalap ng basura.

Nakakainis ang mga driver na ganito. Ang kakapal ng mukha! Yan kasi ang problema sa genaration ngayon, gusto natin lahat madali at lahat minamadali nawawala na yung “virtue of patience”.

Bago sana magmura ‘tong mga driver na’to inisip sana nila na wala naman ang city na ‘to kung di dahil sa mga basurerong ‘yon, wala naman ang kalinisan sa barangay nila kung wala ang mga basurerong ito.

“its the small things that make big things happen. Matuturing ba na city ang Baguio kung in the first place wala ang mga basurerong ito???

Masyado naman nilang minanamaliit ng mga basurero na ‘to……

Alalahanin dapat nila kahit anu pa sila pare-pareho ang status natin, hindi mag-eexist ang city na ‘to kung wala ang bawat isa sa atin.

Advertisements

2 responses to “Basurero

Got something to say?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s