Fieldtrip entry # 1

Realization sa Manila Trip

1. Ang ganda ng tandem nila (the sweet couple)
Yun yung nagpapasaya ng araw ko, makita ko lang sila,  just merely looking at them, makikita mo kung gaano ka cohesive yung bonding nila. Dun ko narealize na siguro, its time…

2. Maliit ang SM-MOA
Itinatak ko sa isip ko na dahil 35 lang kami ay imposible naming makita ang ibang “bus mates” dahil napakalaki daw ng SM – MOA; pero nakita ko lang rin naman sila sa loob, ibig sabihin maliit nga ang mall na yun, o baka naman ayaw lang nilang mawala.

Sabi ni kuya imposible daw na maikot mo ng isang boung araw ang SM – MOA, pero bakit kami nalibot lang namin ito sa loob ng 15 minutes. Salamat sa “Station 1” at E-jeeps. hahaha…

3. Napakasarap sumakay sa Bus na puno ng positive energy
Sa bus na yun meron akong mga masasabing talagang “nagdala” sa batch. Maaalala ko na mas gusto ni Kuya ang batch namin, sabi niya yun nung kausap niya yung waiter dun sa Taalena restaurant (naover-heard ko yung tsismisan nila nung waiter), kaya nga love na love niya maging photographer namin. Hindi mangyayari ang pictu-picture na kung saan kompleto kaming lahat kung wala si Kuya.

MME fieldtrip

4. Masarap tumira sa hotel na kung saan kasama mo friends mo.
Bukod sa “condo ambiance” mas masarap kasama ang friends mo sa hotel, minsan lang ‘to nangyayari..iba yung feeling, iba yung excitement kapag kasama mo sila, kung pwede ko lang sanang gawing 48 hours ang 24 hours to prolong this moments, lalo na magka-connect pala yung room namin.

Iba rin yung feeling na inuuwi yung kagamitan mula sa hotel, shampoo, toothcare sets, slippers, plastic bags, laundry bags…pang remembrance sabi ni Kuya.

MME fieldtrip

5. The Philippines is truly a sweet spot of Asia.
Nagawi man ako sa Manila dati, di ko rin ito na-appreciate dahil magulo at madumi dito.

Pero salamat ng malaki kay Kuya Elias naapreciate ko ang Manila, Cavite, Tagaytay at Laguna, dahil sa mga kwento niya every step of the way.

Sa bawat lugar na nadadaanan namin at kinukwento ni Kuya ang kwento sa likod nito, dun ko narealize na ang Pilipinas ay more than the usual nga..totoo nga ang sabi ng Dept. of Tourism.

MME fieldtrip

6. Binago ako ng trip na yun.
Nung umakyat ako pabalik ng Baguio, di na ako ang Meyer na bumaba ng Manila noon. Lumaki nanaman ako both personally at professionally. Dala-dala ang mga memories, ideas at happenings na magagamit ko sa pagtahak sa daan ng buhay.

MME fieldtrip

7. Mas ok pala kung ‘sang BUS lang
Dati gusto ko convoy ang dating ng fieldtrip. Maraming bus, maraming studyante…pero narealize ko na mas masaya ang isang bus dahil bawat estudyante ay sama-sama sa pag share ng mga happy moments. Wala yung nahihiwalay sa mga friends nila dahil nasa ibang BUS siya. Walang hintayan ng convoys, at higit sa lahat walang delays.

Mas masaya ang isang BUS lang, because you get to know each and everyone of them along the way…..and that’s the very essence of enjoying life while travelling.

Prince Maya by Haranah Tours

Advertisements

2 responses to “Fieldtrip entry # 1

Got something to say?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s