75

ahh..75. My dream grade.

NOTE: Isa sa mga vintage blog posts na lumutang sa hard drive ko.  yey!

75..
Yan ang pangarap kong grade simula ng tumungtong ako sa third year high school kahit lahat ng grades ko 75 masayang-masaya na ‘ko.

Sabi nila 3rd year daw ang pinakamahirap na stage ng highschool education

totoo yun..

Doon ko naranasan makakuha ng tumataginting na “71” sa Chemistry

Chemisrty…dun ko naalala ang  guro kong bininyagan ako ng pangalan na “daomingsig”

Siya nga pala,  ayon sa pananaliksik  ko (sinampal na siguro ako ni Batman sa style ng pagsasalita ko, kung ako si Robin) , nasa states na yung guro kong yun…hmmm amoy state side na.

Dumating ang kolehiyo, tuloy-tuloy pa rin ang pangarap kong makakuha ng record breaking na “75” bilang marka ko sa lahat ng subjects.

Yung ibang subjects ko nabiyayaan ng sobra-sobra, isang rason upang makakuha ako ng 80 at 90 pataas.

Yung isa naman sawing palad.

Hindi naman dahil sa bobo ako, naniniwala lang talaga ako na bawat isang tao sa mundo may kanya kanyang field na kung saan dun sila nagtatagumpay.

Wala naman sa grado ang basehan para magtagumpay ang isang tao, nasa performance yun, kahit sabihin nating malaking puntos yun upang makakuha ng trabaho, malamang di na ganun sa hinarap.

Nagiging uso na kasi ang personality test at yung psychological test na siyang nagiging basehan ng mga kumpanya upang mamuhunan ng tao. Hindi man sa karamihan pero sa iilan pa lamang.

90,95,98…

pppsss..di mo naman kelangan ng exaggerating na grades sa paaralan. Yung iba gusto lang yun para sumikat, para maging DL.

75, ok na yun, aanhin ang sobra papasa ka rin naman. Di ka naman maililigtas ng 90 mo kapag na stuck paa mo sa riles ng tren. Buti sana kung meron yung share-a-grade yung 90 mo ishare mo sa 60+ mong grade, o e di pumasa ka pa.

Hindi ako nabubuhay para sa grades lamang, isipin mo 40-50 years mula ngayon di naman na mahalaga para sa iba ang grado, wala ng may paki kung gaano ka kagaling, kung gaano kataas grado mo, kung anong awards mo noon, kung ilang beses ka nag absent, kung ikaw ang pinakamataas sa quiz, kung dugyot ba o malinis ang uniform mo, kung ilang libong sapatos ang nagamit mo, kung nagpa hot oil ka ba o hindi..

wala na lahat ng iyon…

Pero kung inayos mo buhay mo, at kahit papano..ay may nagawa ka para sa iba,

kahit gaano katagal…….

kahit nasa ibang dimensyon ka na…

Yun lang yung tanging bagay na maalala nila sa’yo at yun lang yung magiging importante sa kanila.

Ganun lang ang buhay..
Sana maka-75 pa rin ako….

Advertisements

Got something to say?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s