Bagsak

Failed

NOTE: Isa sa mga vintage blog posts na lumutang sa hard drive ko.  yey!

yikes! mommy pls. don’t hurt me..

“Bagsak..???”
“oo eh..”

bagsak ako sa Accounting 102, oh my god…
Nabahala ba ako?…–Hindi!!
Naisip ko bang mag suicide? –Hindi!!
Katapusan na ba ang mundo?—-Hindi!!
Yan ang mahirap sa mga perfectionist na studyante…hindi nila kayang tanggapin ang pagkabigo.

Mas maganda kung mararanasan ng mas maaga ang pagkabigo, para hindi na gaanong masakit ang mga susunod pa. Kasi ganon yung iba, sa kalagitnaan ng laban nila nararanasan ang pagkabigo kaya nahihirapan silang maka recover, samantalang kung mas maaga mo itong mararanasan ay madali kang makaka-adjust.

Look on the lighter side of life, iwasan mo ang negatibo sa buhay mo!

Alalahanin mo na ang buhay ay patuloy na pagkabigo na kung saan natuto tayong maging perpekto. Bakit kapag bumagsak ka katapusan na ba ng mundo? Mamamatay ka ba?

Kaya yung mga kaklase ko dyan na naisipang mag-suicide noong bumagsak sila sa 102 (helloow may utak ka ba?) at uulitin muli nila ng 2, 3 at pang 4 takes, ayos lang yan, may mali lang sa inyo…

MALI ANG INIISIP NIYO!!

Hindi rason ang “failing grades” para wakasan mo ang buhay mo, never as in never mo itong didibdibin, its a big no-no, ayan kaya nagmumukha kayong mga matatanda e, kasi you’re letting stress consume you.

Mabigo ka man sa alinmang gawain sa buhay alalahanin mo na hindi ka pa rin bigo bilang tao. Walang sino man ang may karapatang tumawag sa’yo na palpak ka, kungdi ang iyong sarili. Ginawa mo naman ang lahat, nagsunog ka ng kilay, nagkataon lang na di ka pa siguro itinakdang makapasa. Nanniniwala ka naman siguro sa kasabihang “everthing happens for a reason di ba?” Malay mo may mas maganda pang mangyayari sa’yo the next take mo, (kung hindi mo maintindihan ang sinasabi ko, huwag mong ipilit, balang araw maiintindihan mo rin ito. Just trust the meyer.

Look on the brighter side of life. Think positive!

Ako madami ding bagsak. Dumating pa ang punto na kung saan napunta pa ako sa guidance, every after grading, kelangan kong magsubmit ng grades ko sa guidance for monitoring purposes, Pero naging kahihiyan ba ito sa’kin?— HINDI! (hindi naman gaano, konti lang)

Ginawa ko lang itong experience. Maluwag kong tinanggap ang pagkabigo ko, ang hindi ko lang matanggap ay yung di muling sumubok.

Isa pa yung sistema ng mga teachers na “passed” or “failed”, nakow, lumang sistema na yan. Kung bumagsak ka, huwag mo kasi itong tignin bilang failed. Hindi ba mas maganda kung titignan mo ang dalawang iyon bilang “Knowledge” at “Ignorance” para hindi gaanong masakit ang salitang “FffFffaaaiiled”.

Kaya huwag ka ng malungkot, bibihira lang ang mga studyanteng gumagraduate na walang galos ang mga tuhod, minsan bumagsak din yan sa putikan, muli lang silang bumangon kaya, narating nila ang finish line.

The verdict:
Kung bumagsak ka di ba “F” ang grade mo?
LOOK ON THE BRIGHTER SIDE OF LIFE>>>HINDI PA END of the world, hindi pa 2012. Yun lang yun. Isipin mo na lang yang “F” na yan ay still FIGHTING to get an “A”. Mas ayos di ba?

lakas ng fighting spirit mo. Yan that’s the spirit!
Ipagpatuloy mo!

Advertisements

Got something to say?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s