Walang hiyang shamless plug v2.

Bagong Taon, Bagong Meyer…kung dati (sa v1) ay flat blog lang.. ngayon  interactive na….yipee!!

and the real story begins here…

  • Kung dati kinukuriputan ko ang sarili ko sa pagtataxi, ngayon may pataxi-taxi na akong nalalaman.
  • first time kong magtulak ng sasakyan at matalsikan ng chorva nung nasa Banaue kami.
  • para ma-disable ang isa kong account sa net, nag-upload ako ng maraming-maraming porn.
  • napansin kong lagi akong nasa likod ng cam, kaya naisipan kong bumili ng tripod.
  • naisip kong di na muna siguro ako mag-aabroad, karamihan naman sila nandun na..dito na lang muna ako sa Philippines para maiba naman hehe.
  • dati matiyaga ankong naglalaba, ngayon may pa laundry-laundry na akong fx.
  • super ini-enjoy ang shower…kasi baka malunod ako sa bathtub.
  • speaking of malunod..nasubukan ko ng malunod sa isang 350ml na Absolute mineral water at 500ml na Gatorade.
  • nag ra-Rajah yoga ako dati for two months, pero di ito kinaya ng powers ko.
  • minsang nag-iisip ako ng course sa college ko, sumagi sa isip ko na maging pari, ewan ko ba…
  • sa wakas nakita ko na si Bob Ong at Bro..in picture!
  • I’m really blessed (at lumaki nanaman ako professionally at personally) ng makita at ma-discover ang Banaue (4D, 3N), Bokod (1D, 0N), at Bontoc (2D, 1N)
  • gusto ko din ng iPad, hindi iPod, dahil meron na ako nun-un nga lang, nasagasaan.
  • pasenya na kung sablay ang lyrics ko..wala naman kasing lyrics ang mga pinapakinggan ko.
  • adik-adik ako sa jazz, piano instrumentals, orchestral at classical musics.
  • pasensya sa mga nakasama kong nag-grocery noon at napaka metikuloso ko sa mga lata at sa expiration dates.
  • ayaw kong makasama ang mga “maarts” sa sarili, sa magiging amoy nila, sa sasakyan o sa magiging itsura nila (kung sasama sila) sa pagha-hike ko sa ka-Cordilleraan, particularly sa Pulag o sa Enchanted forest.
  • badtrip ako sa auto/motor na maingay ang tambutso..kapal!! so ano? sikat ka na niyan?
  • nawiwirduhan ako sa taong nagpapapix na kasama ang baso ng Starbucks o kasama ang MAC, o kotse ang primary? ano yun, pasikatan?
  • isa akong masuwerteng nilalang, dahil binigyan ako ng isang lifestyle consultant.
  • minimalist ako, makikita mo yun sa house blessing ko (kapag imbitado ka).
  • naging parte ng buhay ko noon ang alikabok at putik sa Banaue, Bokod at Bontoc.
  • mapa Banaue, Bontoc o Bokod..taga-Maynila ang tingin ng locals sa akin.
  • let the world know na crush (iba ang love) ko si Stephenie Geeat Carmina Topacio (I don’t even know these songs)…whoohoo
  • imported ang musics ko..haha..galing internet…internet radio.
  • sobra ang respect ko for women, di bale na ang bayan, basta Gabriella ako.
  • kelangan mo bang pumunta ng airport or baka  susunduin kita galing Europa o Tate? sabihin mo lang may mga van ako..mura lang.
  • 20. yan ang taon ko nung nahuli ako ng pulis sa Harrisson road at ang offense ko – breaking the curfew for MINORS.
  • nasa pule DAW namin ang pagiging “baby face”..o yung mga sinungaling ang edad sa itsura.
  • oo tama! kainuman ko nga ang ilang pulitiko sa Palace Hotel noon sa Legarda. Masama bang itagay namin ang mga kape?
  • gusto kong mag Mt. Pulag sa birthday ko.
  • wala yata akong talent, skills lang.
  • ito ang music ang tumutunog sa utak ko sa tuwing naglalakbay ako o pumapasok sa trabaho.
  • Freddie and the driver of KMS bus lines ang pinaka amusing na driver-conductor tandem na na-experience ko.
  • looking on the bright side of life ang something that comes naturally to me.
  • nasubukan ko na ding nagparesibo ng balut at dalawang piraso ng siopao.
  • love na love ko ang gadgets, pero slave sila sa akin.
  • ipagpatawad mo, pero wala akong alam na laro sa net.
  • ethical hacker, if you wanna hackproof your account, andito lang ako..
  • sobrang proud ako sa tuwing nariring ko ito.
  • pinag iisipan ko pa kung anong bibilhin kong vehicle….something that would best fit me
  • gustong-gusto ko sa mga hardware stores, school supplies stores at grocery stores.
  • Malapit sa puso ko ang mga alumni ng Management at Marketing (SLU-CAC batch ’09 at ’10)
  • masaya ang buhay ko kasi may “Bro” at Smart Bro.
  • homebody na naging (medyo) outdoor man. –Yan ako.
  • gusto ko ding maging gambling lord…..sa stockmarket.
  • na ste-stress ako sa panunuod ng 2012, day after tom, etc…
  • so far, isang CP pa lang naman naiwawala ko.
  • so far, tatlong raffles pa lang ang naipapanalo ko. Noong pre-school ako at sa Premyo sa resibo.
  • sa lahat ng gold-digger sa mundo, ayoko kayong isumpa, sana magbago na kayo.
  • may nagsabi na rin ng harap-harapan sa’kin: “Ang gwapo mo, maliit ka nga lang” — exerpts from the 6ft. girls (mahihirapan sigurong maghanap ng mga BF ‘yun).
  • panapanahon (kanlungan) ang isang kanta na sa tuwing naririrnig ko..ay napapa-ngiti ako…and..hmmm..makes me realize the importance of spending time with the one you love most.
  • nag-eearings din ako dati ng magnetic, kaya walang butas tenga ko..(yung ear lobe ang walng butas, hindi tenga).
  • adopted son of Cordillera daw ako as mandated by the 1987 law churva..eklavoo
  • kapag naste-stress ako pumupunta ako sa mga bookstores.
  • masyado akong maingat sa mga sinasabi at iniisip ko 85-92% nag kakatotoo kasi.
  • hawig kami ng ugali ni Ms. Kristine at nag aagree ako sa sinabi niyang madaming useless na groupmates at madaming bastos na kanto boys sa tabi-tabi.
  • narealize kong ironic ang buhay. Noong bata pa kami at ang lalaki ng bags and loads namin, wala kaming car, commute-commute lang, ngayong walang dala naka car pa…noong madami kaming research inis na inis ako sa mga pang-basurang computer sa internet shop, ngayong walang research unlimited pa ang internet. haaay buhay….
  • sinayaw ko ito (chorus part) sa ambuklao viepoint..uhh..partly..(02/18/’10)
  • skeptic believer ako sa 2012. Si George McFly nakarating naman sa 2014. Meyer’s theory (akin yun) states that hmm, baka naubusan lang sila ng pag cacarvan ng stone kaya natapos or baka wala ng successor na magcacarve.
  • weird daw akong maging emo..uhh..sabi nila..dahil ito at ito ang “emo mode” music ko.
  • at tulad ni Bob Ong ito ang tumutunog sa isip ko (intro lang) sa tuwing may idea ako
  • at dahil wala akong ka-valentines noong February 14, 2010 – gusto ko itong kantahin (the full song) sa Session Rd.
  • sa lahat ng nakita kong sexy classmates at passerby dati, para sa inyo ito.
  • so far, tatlong libro ang may pangalan ako. Basic finance (Valencia Publishing), Statistics book (Valencia Publishing) at coffe table book entitled Presenting The Igorot (SLU-URG).
  • big fan din ako ni Manny Pacquiao, pero I’d rather spend the time with someone special rather than watch him. 
Advertisements

Got something to say?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s